Isang Dipang Langit
Ako’y
ipiniit ng linsil
na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong
ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa
munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim
ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang
maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung
minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung
minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At
ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t
yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang
tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At
bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
I.
TALAMBUHAY
Si Amado V. Hernandez ay makata,
nobelista, mandudula at peryodista.
Itinanghal na orden ng mga Pambamsang Alagad ng Sining sa larangan ng
panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng pangalang Herinia dela Riva, Amanta
Hermani at Julio Abril.Isinilang siya noong 13 Styembre 1903 sa Tondo, Maynila.
Siya ay supling nina Juan Hernandez at Cara Vera. Napangasawa niya si
Honorata”Atang” dela Rama at tinaguriang “Reynang Kundiman” na napabilang din
sa Orden ng Pambansang Algad ng sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High
School sa Cagalangin, Tondo, Maynila,at sa American Correspondence School at
don niya nakamit ang titulong, batsilyer sa sinig.Nagsimula niyang tangkilikin
ang pagsusulatbilang journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya
ng watawat, Pagkakaisa, Mabubuhat, Sampaguita, at iba pa.Naging kaibigan din
niya sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at Deogracias Rosario.
Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “
Sariling Hardin “ sa pagkakaisa mula 1926-1932,” Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking
Bayan”, at iba pa.Siya ay nanalo rin ng maraming beses. Noong 1925 tinagurian
siyang “Makata ng Ilaw at Panitik”. “Wala ng Luha”, 1931 nanalong 2 Gold Medal;
Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang Langit”, 1962; ang
NPC-ESSO Journalism Award para sa nobelang “ Luha ng Buwaya”, 1963 at marami pa
ang natanggap niya ang National Arttist Prothumously noong1973 para sa kanyang
kontribusyon sa Development of Tagalog Prose.
II.
KAYARIAN
Ø
URI- tulang salaysay
Ø
ESTOPA- Kwarteta
Ø
RITMOL/INDAYOG
·
Sukat- lalabin dalawahing pantig
·
Tugma- katinig at patinig
III.
ANYO
TONO
-malungkot,
nahihirapan at puno ng poot at galit
-paghihimagsik
at pagdurusa
TALASALITAAN
Balasik-kalupitan o kabagsikan
Tiwalag- nauukol sa pagiging malaya,bitiw
Moog- matibay na taguang bato
Atungal-
malakas na iyak ng malaking hayop” ungal
Asud- walang humpay
Pakikilamas-
sunod-sinod na pagdakot at paglamotak
Tanang- tayo na
TALINGHAGA
Simili- “anaki’y atungal ng hayop
Hayperboli-“ sanlibong aninong iniluwa sa
dilim
-sa munting
dungawan tanging abot-malas
-isang
dipang langit
Pagtatao- “ Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw”
Pagwawangis-“ Ang buong magdamag ay
kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
IV.
PAGSUSURI
PAKSA
-
Ito ay pinaagatang “ Isang Dipang
Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –asang maabot pa at matanaw ang sikat
ng araw na tanda ng tagumpay habang nasa loob mg bilangguan ang manunulat.
SIMBOLONG
GAMIT
Dungawan- bintanang rehas Kuta- Kulungan
Tanikala- kadena
Birang- itim na panakip sa ulo
Puno-
Pagkakasala
DIWA
-Karanasan ng mga kinukulong
-Pianagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw
-Matutong
ipaglaban ang iyong karapatan
HIMIG
-
Pagdurusa , dahil sa pagtukoy ng kanyang
mga pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob ng kulungan
-
Paghahangad ng kalayaan
V.
KAHULUGAN- Paraphrasing
VI.
ISTILO
Ang
istilo ng may akda ay pangkaraniwan sa iba. Ngunit kung ikukumpara ang
istraktura ng parang pagkakasulat, ang una at pang 3 linya sa bawat saknong ay
nasa karaniwang ayos, samanatalang ang pang2 at pang 4 ay nag bigay ito ng
panglimang espasyo.
VII.
MENSAHE
-
Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng
buhay
-
Ipagtanggol ang sariling karapatan
-
Laging magtiwala sa sariling kakayahan
-
Lagingmanalig sa diyos
VIII. IMAHEN
Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na
nadarama ng nagsasalita dahil sa kanyang pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang
hirap na dinanas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.
Thank you! Very helpful.
ReplyDeletethank you for your help
ReplyDeleteThank you,best explaination
ReplyDeleteMaraming Salamat po, Pagpalain ka pa...
ReplyDeleteMaraming salamat po nakatulong po ito sa pagaanswer ko po ng mudole sana makapagsulat kapa nang iba pa para po marami kapang matulungan thanks po
ReplyDeleteMaraming salamat po nakatulong ito ng marami.
ReplyDeletethanks its very help ful
ReplyDeletehey bestea
DeleteTHANK YOU
ReplyDeleteAnong teknik ng pagbasa ang iyong ginamit sa pag-intindi ng tula? At bakit?
ReplyDeleteThank you 🥰
ReplyDeleteCasino & Hotel New York - MapyRO
ReplyDeleteCasino & Hotel New York, NY, 군포 출장마사지 USA 의왕 출장마사지 Map: 제주 출장마사지 143450. Address: 143450. 화성 출장마사지 Country: New York Stateline. 양주 출장안마 Map.
Reflection?
ReplyDeleteThank you so much 🥰
ReplyDelete